Eleven days ding nabakante ang blog ko.
Eleven days na puro triple dot lang ang nasa isip ko.
Eleven days na pala. Miss ko na si Blog ko.Ü
Sa totoo lang, hindi ko naman masasabing BUSY ako eh. Hindi bagay ang word na yon sa estado ng buhay ko ngayon, ginagamit ko lang naman siyang 'excuse' dito eh, kasi ang totoo IDLE ako, kung titignan mo sa dictionary dot com, habitually doing nothing or avoiding work --- ayon, pinagandang word lang ng KATAMARAN. wow. >
Hindi ko alam kung kailan nagsimula yung ganito. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ung 'sudden feeling of idle' ko sa buhay. Bigla nalang; nawalan ako ng gana, ganun lang. Parang minsan naisip ko sana bigla nalang ako maglaho na parang apoy sa sinindihang posporo. Parang gusto ko nalang malunod sa mga panaginip kong obyus namang gawa gawa ko lang. Parang gusto kong maging hindi ako.
Sana katulad ng biglaang pagka-idle ko sa mundo maging 'available' din ako. Sana dumating din yung araw na imbis na isipin kong mag-aamok na naman ung algebra teacher ko eh' maiimagine kong ipapasa niya ako. Sana bukas, o kahit sa susunod na araw... maging ako na yung 'hyper' na si ako. Sana lang.
Naalala ko yung huling beses na um-absent ako sa saturday class ko sakto umuwi ang ate ko. Sa lahat lahat ng nilalang sa earth siya ang ayaw kong makausap pagdating sa usaping KATAMARAN kasi panigurado sermon ako; at hindi nga ako nagkamali. Nung araw na yon, pinagalitan na naman niya ako at blah blah blah, hindi ako umimik, hindi ako sumagot kasi kahit ako hindi ko alam kung anong sagot sa mga tanong niya. Siguro nga... Nawalan lang ako ng gana. at hindi ako buntis. >
Bukas, sa susunod na bukas, sa susunod na linggo at mga buwan.
Anong maasahan ko? Baka sa susunod kong blog... "Hi Blog' na naman ang masasabi ko.
Wag naman sana.
Hahanapin ko na yung nawawalang si AKO.Ü





--
Tshooot
--
I am the mix of both reality and imagination. I can't assure you that I'm 100% original though I'm quite honest of almost about everything.
--
Tshooot
--
I am the mix of both reality and imagination. I can't assure you that I'm 100% original though I'm quite honest of almost about everything.
thanks 4 fav .)
cheaz from austria
--
fabuleux basselinie
Previous Page12345...Next Page